

Register in these sites if you live nearby Baguio, Cebu, or Pangasinan. If you live elsewhere throughout the Philippines, you are welcome to register in Manila!
Pilipino ka ba? Mula Luzon, Visayas, at Mindanao, tara na at sumali sa pinakamalaki at pinakamasayang hackathon sa sangkalawakan! Makibahagi sa paglutas ng mga hamon na ikinakaharap natin sa mundong ito at sa kalawakan gamit ang makabagong teknolohiya at agham.


Makakalahok KA sa pinakamalaking agham at pangkalawakang hackathon sa buong solar system!
GUMAWA ng mga malikhaing tugon sa mga makatotohanang hamon gamit ang totoong data mula sa kalawakan
Buhat noong nag-umpisa ito noong 2012, naging pinakamalaking pandaigdigang hackathon sa mundo ang International Space Apps Challenge ng NASA, na hinihikayat ang libu-libong mamamayan sa buong mundo na gamitin ang malayang data ng NASA upang bumuo ng mga makabagong paglutas sa mga hamong kinakaharap natin sa Daigdig at kalawakan.
Upang gunitain ang ika-sampung taunang Space Apps, nakikipagtulungan ang NASA sa siyam na mga ahensiyang pangkalawakan upang dalhin ang pinakamalaking taunang pandaigdigang hackathon sa mundo sa mas maraming pang mga pamayanan! Malugod na sinalubong ng NASA ang Australian Space Agency, Brazilian Space Agency, Canadian Space Agency, European Space Agency, Japan Aerospace Exploration Agency, National Space Activities Commission ng Argentina, National Space Science Agency ng Bahrain, Paraguayan Space Agency, at South African National Space Agency sa pamilyang Space Apps 2021.
Pinapangasiwaan ng Earth Science Division, Science Mission Directorate, ang Space Apps doon sa Punong Himpilan ng NASA sa may Washington, DC. Pinangangasiwaan ito kasama ng Booz Allen Hamilton, Mindgrub, SecondMuse, at ang NASA Open Innovation Applied Sciences Program.


Kailangan ng MUNDO ang kaalaman mo!
Binibigyan ka ng pagkakataon ng Space Apps upang makapagbigay-buhay sa mga proyekto para sa samu't-saring mga aplikasyon. Inaasahan naming makita kung anong makabagong, malikhaing kaalaman ang dadalhin mo sa lipunan ngayong taon.


Lahat hinggil sa Space Apps
Ano ba ang Space Apps?
Isang pangdaigdigang hackathon ang NASA International Space Apps Challenge (Space Apps) para sa mga coder, siyentipiko, taga-disenyo, mananalaysay, tagagawa, tagabuo, teknolohista, at iba pa sa buong mundo, kung saan nakikipag-ugnayan ang mga pangkat sa malaya at bukas na data ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) upang tugunan ang mga makatotohanang suliranin sa Daigdig at kalawakan.
Para sa isang katapusan ng linggo tuwing Oktubre, nagkakasama ang mga kalahok mula sa buong mundo sa loob ng 48 oras upang malutas ang mga hamon na ibinigay ng NASA. Matapos ang hackathon, pinipili ang mga naipasang proyekto ng mga eksperto sa kalawakan at hihirangin ang mga nagwagi para sa isa sa 10 Global Awards.
Ipinapakilala ang mga tagapagpalutas ng mga suliranin sa buong mundo ng Space Apps sa malaya at bukas na data ng NASA. Sa pamamagitan ng paggamit ng NASA data upang malutas ang mga hamon bawa't taon, natututo ang mga koponan ng Space Apps hinggil sa data ng NASA, at ibahagi sa paglikha at paggamit ng kaalaman na may kabuluhan.
Bunsod ng pandemyang COVID-19 at sa kapakanan ng kalusugan at kaligtasan ng ating pandaigdigang pamayanan, gumawa ng mahirap na pasya ang NASA na gawin ang 2021 hackathon ngayong taon na isang pangkalahatang-virtual na kaganapan. Sa pamamagitan ng website, makakakilala at makakabuo ng pangkat ang mga kalahok, makipag-usap sa iba pang kalahok at mga dalubhasa sa kalawakan sa ating mga online chat room; at makapasa ng gawa. Sa pambihirang pagkakataong ito, nandiyan ang pamayanan ng Space Apps bilang isang paalala na mayroon tayong mga kagamitan at paraan upang harapin ang hamon na hinaharap ng ating planeta at sa kakayahang upang magkaisa sa mga hangganan at laylayan anuman ang uri. Binibigyang-inspirasyon ng Space Apps ang pakikipagtulungan, pagkamalikhain, at pag-iisip ng mabuti. Aming misyong ang paghikayat na magkaroon ng interes ang paglago at pagkakasari-sari sa susunod na salinlahi ng mga siyentipiko, teknolohista, taga-disenyo, at inhinyero.


Sino ba ang dapat makilahok sa Space Apps?
Sa Space Apps, palaging may puwang para sa isa pa.
Gusto ng mga karaniwang lumalahok sa Space Apps ang agham pangkalawakan at pananaliksik, pagiging malikhain mo, at pagkanais mong lutasin ang mga suliranin.
Bilang kabahagi ng Space Apps, kasama ka sa isang pandaigdigang samahang hackathon tampok ang pakikipagtulungang aabot hanggang sa laylayan, kalipunan, at kalinangan upang makamit ng pagbabagong ganap.


The Power of Ten
Ngayong taon ang ika-sampung taunang NASA International Space Apps Challenge, ang pinakamalaking pandaigdigang hackathon sa Daigdig! Bilang pagbigay-pugay sa pagdiriwang nito, ang tema para sa Space Apps 2021 ay "The Power of Ten." Ngayong taon, gugunitain ng NASA ang sampung kamangha-manghang taon ng pakikipagkapit-bisig, pakikipagtulungan, at paglutas sa pamamagitan ng pagbuo ng isang malakas na pagsasama-sama ng sampung mga ahensyang pangkalawakan na magtutulungan upang paabot ang Space Apps sa marami pang pamayanan sa buong mundo.

Sali na!
Ang Space Apps ay para sa lahat! Kasama rito ang mga hindi pa kailanmang "nag-hack' dati! Hinihimok ng lahat ng mga masigasig na tagapaglutas ng suliranin na makilahok - mga mag-aaral, dalubhasa, inhinyero, tagapagawa, alagad ng sining, at tagapagsalaysay. Habang ang ilan sa ating mga hamon ay pangteknikal, hinihiling sa iyo ng iba na gamitin ang iyong mga kasanayan sa pansining, katalinuhan ng iyong pangangalakal, at ang iyong mga harayang pangkasaysayan! Sa madaling salita, hindi mo kailangang maging isang coder o dalubhasa sa data upang makibahagi sa Space Apps. Sa katunayan, ang pinaka-magkakaibang mga koponan ay madalas na nagtatagumpay.


Collaborators
- Philippine Space Agency (PhilSA)
- Analytics Association of the Philippines (AAP)
- Space Technology and Applications Mastery, Innovation and Advancement (STAMINA4Space)
- De La Salle University (DLSU)
Communities
- Alaga Health
- Algo Filipino
- Angular Philippines
- CirroLytix Research Services
- CodeUX Creative Technologies
- Data Ethics PH
- freeCodeCamp Manila
- Hikre School
- Laravel PH
- Philippine Information Technology Organization (Phil IT Org)
- Philippine Society of Information Technology Educators Central Luzon (PSITE-CL)
- Pampanga Developers Group (PDG)
- PWA Pilipinas
- ReactJS Philippines
- Sakahon
- StackLeague
- TMDC IT Solutions
- Umpisa Inc.
- United ICT Pangasinan Council
- UP SCINTILLA JVRIS and UP STELLA JURIS
- WordPress Baguio User Group (WPBUG)
Space Apps in the Philippines is part of the World Space Week and the Design Week Philippines.

Schedule (All times Asia/Manila)
Wednesday, September 22nd
Team formation
Individuals and incomplete teams find other participants to become teammates
Friday, October 1st
Opening ceremony
https://www.facebook.com/events/939536656643929
Team formation
Join Zoom Meeting
https://zoom.us/j/92069080625
Meeting ID: 920 6908 0625Team formation
Join Zoom Meeting
https://zoom.us/j/92069080625
Meeting ID: 920 6908 0625
Saturday, October 2nd
Hackathon start and mentorship consultations
Join Zoom Meeting
https://zoom.us/j/92069080625
Meeting ID: 920 6908 0625Mentorship consultations
Join Zoom Meeting
https://zoom.us/j/92069080625
Meeting ID: 920 6908 0625Mentorship consultations
Join Zoom Meeting
https://zoom.us/j/92069080625
Meeting ID: 920 6908 0625Mentorship consultations
Join Zoom Meeting
https://zoom.us/j/92069080625
Meeting ID: 920 6908 0625
Sunday, October 3rd
Mentorship consultations
Join Zoom Meeting
https://zoom.us/j/92069080625
Meeting ID: 920 6908 0625Virtual Pitch and Feedback Session
This session prepares to provide best practices in order to complete and finish projects, including filling-up the project page
Join Zoom Meeting
https://zoom.us/j/92069080625
Meeting ID: 920 6908 0625Final reminders and closing ceremony
Last call for mentorship consultations and hear some final messages from key people
Join Zoom Meeting
https://zoom.us/j/92069080625
Meeting ID: 920 6908 0625Project submission deadline and after party
Finish everything on the project page before the deadline. Come and celebrate your success with us in finishing Space Apps through our after party session!
Join Zoom Meeting
https://zoom.us/j/92069080625
Meeting ID: 920 6908 0625

